Amos 9

Kapag hinipo ng Panginoon ng mga Hukbo ang lupa, mayayanig ito at mag-iiyakan ang lahat ng naninirahan dito. Ang pagyanig nito ay parang pagtaas at pagbaba ng tubig sa Ilog ng Nilo sa Ehipto.

Amos 9:5 (UKJV) And the Lord GOD of hosts is he that touches the land, and it shall melt, and all that dwell therein shall mourn: and it shall rise up wholly like a flood; and shall be drowned, as by the flood of Egypt.

3Kahit na magtago pa sila sa tuktok ng Bundok ng Carmel, hahanapin ko sila roon at huhulihin. Magtago man sila sa kailaliman ng dagat, uutusan ko ang ahas na tuklawin sila.

4Kahit na bihagin sila ng kanilang mga kaaway, ipapapatay ko pa rin sila. Dahil desidido na akong lipulin sila at huwag nang tulungan.”

5Kapag hinipo ng Panginoon ng mga Hukbo ang lupa, mayayanig ito at mag-iiyakan ang lahat ng naninirahan dito. Ang pagyanig nito ay parang pagtaas at pagbaba ng tubig sa Ilog ng Nilo sa Ehipto.

6Ang Diyos ang gumawa ng kanyang sariling tirahan sa langit. At siya ang gumawa ng kalawakan sa itaas ng lupa. Siya rin ang nag-iipon ng tubig-dagat sa mga alapaap at pinauulan ito sa lupa. Ang pangalan niyaʼy Panginoon.

7Sinabi ng Panginoon, “Ang turing ko sa inyo na mga taga-Israel ay katulad lang sa mga taga-Etiopia. Totoong inilabas ko kayo sa Ehipto, pero inilabas ko rin ang mga Filisteo sa Caftor at ang mga Arameo sa Kir.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.