2Kahit magtago pa sila sa ilalim ng lupa, o sa lugar ng mga patay, kukunin ko pa rin sila. Kahit na umakyat pa sila sa langit, hihilahin ko pa rin sila pababa.
3Kahit na magtago pa sila sa tuktok ng Bundok ng Carmel, hahanapin ko sila roon at huhulihin. Magtago man sila sa kailaliman ng dagat, uutusan ko ang ahas na tuklawin sila.
4Kahit na bihagin sila ng kanilang mga kaaway, ipapapatay ko pa rin sila. Dahil desidido na akong lipulin sila at huwag nang tulungan.”
5Kapag hinipo ng Panginoon ng mga Hukbo ang lupa, mayayanig ito at mag-iiyakan ang lahat ng naninirahan dito. Ang pagyanig nito ay parang pagtaas at pagbaba ng tubig sa Ilog ng Nilo sa Ehipto.
6Ang Diyos ang gumawa ng kanyang sariling tirahan sa langit. At siya ang gumawa ng kalawakan sa itaas ng lupa. Siya rin ang nag-iipon ng tubig-dagat sa mga alapaap at pinauulan ito sa lupa. Ang pangalan niyaʼy Panginoon.