Amos 9

Ang Diyos ang gumawa ng kanyang sariling tirahan sa langit. At siya ang gumawa ng kalawakan sa itaas ng lupa. Siya rin ang nag-iipon ng tubig-dagat sa mga alapaap at pinauulan ito sa lupa. Ang pangalan niyaʼy Panginoon.

Amos 9:6 (UKJV) It is he that builds his stories in the heaven, and has founded his troop in the earth; he that calls for the waters of the sea, and pours them out upon the face of the earth: The LORD is his name.

4Kahit na bihagin sila ng kanilang mga kaaway, ipapapatay ko pa rin sila. Dahil desidido na akong lipulin sila at huwag nang tulungan.”

5Kapag hinipo ng Panginoon ng mga Hukbo ang lupa, mayayanig ito at mag-iiyakan ang lahat ng naninirahan dito. Ang pagyanig nito ay parang pagtaas at pagbaba ng tubig sa Ilog ng Nilo sa Ehipto.

6Ang Diyos ang gumawa ng kanyang sariling tirahan sa langit. At siya ang gumawa ng kalawakan sa itaas ng lupa. Siya rin ang nag-iipon ng tubig-dagat sa mga alapaap at pinauulan ito sa lupa. Ang pangalan niyaʼy Panginoon.

7Sinabi ng Panginoon, “Ang turing ko sa inyo na mga taga-Israel ay katulad lang sa mga taga-Etiopia. Totoong inilabas ko kayo sa Ehipto, pero inilabas ko rin ang mga Filisteo sa Caftor at ang mga Arameo sa Kir.

8Ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagmamanman sa inyong makasalanang kaharian. At lilipulin ko kayo hanggang sa mawala kayo nang lubusan sa mundo. Pero may ilang matitira sa inyo na mga lahi ni Jacob,” sabi ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.