6Ang Diyos ang gumawa ng kanyang sariling tirahan sa langit. At siya ang gumawa ng kalawakan sa itaas ng lupa. Siya rin ang nag-iipon ng tubig-dagat sa mga alapaap at pinauulan ito sa lupa. Ang pangalan niyaʼy Panginoon.
7Sinabi ng Panginoon, “Ang turing ko sa inyo na mga taga-Israel ay katulad lang sa mga taga-Etiopia. Totoong inilabas ko kayo sa Ehipto, pero inilabas ko rin ang mga Filisteo sa Caftor at ang mga Arameo sa Kir.
8Ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagmamanman sa inyong makasalanang kaharian. At lilipulin ko kayo hanggang sa mawala kayo nang lubusan sa mundo. Pero may ilang matitira sa inyo na mga lahi ni Jacob,” sabi ng Panginoon.
9Tingnan ninyo! Mag-uutos na ako; sasalain ko kayong mga mamamayan ng Israel kasama ng lahat ng bansa, tulad ng pagsala sa mga butil. At kung paanong hindi nakakalusot ang maliliit na bato sa salaan,
10hindi rin makakalusot sa akin ang masasama sa inyo, kundi mamamatay silang lahat sa digmaan, silang mga nagsasabi na wala raw masamang mangyayari sa kanila.