8Ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagmamanman sa inyong makasalanang kaharian. At lilipulin ko kayo hanggang sa mawala kayo nang lubusan sa mundo. Pero may ilang matitira sa inyo na mga lahi ni Jacob,” sabi ng Panginoon.
9Tingnan ninyo! Mag-uutos na ako; sasalain ko kayong mga mamamayan ng Israel kasama ng lahat ng bansa, tulad ng pagsala sa mga butil. At kung paanong hindi nakakalusot ang maliliit na bato sa salaan,
10hindi rin makakalusot sa akin ang masasama sa inyo, kundi mamamatay silang lahat sa digmaan, silang mga nagsasabi na wala raw masamang mangyayari sa kanila.
11“Darating ang araw na muli kong itatayo ang kaharian ni David na tulad sa kubong nawasak. Aayusin ko ito sa kanyang pagkakagiba at itatayong muli kagaya noong una,
12upang masakop ng mga Israelita ang natitirang lupain ng Edom at ang iba pang mga bansang sinakop nila noon, na itinuring kong akin.” Sinabi ito ng Panginoon at gagawin niya ang mga bagay na ito.