Daniel 4

Kamangha-mangha at makapangyarihan ang mga himalang ipinakita ng Diyos. Ang paghahari niya ay walang hanggan.

Daniel 4:3 (UKJV) How great are his signs! and how mighty are his wonders! his kingdom is an everlasting kingdom, and his dominion is from generation to generation.

1Ipinadala ni Haring Nebucadnezar ang isang mensahe para sa lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi, at wika sa buong mundo: “Sumainyo nawa ang mabuting kalagayan.

2“Ikinagagalak kong ipaalam sa inyo ang mga himala at kababalaghang ginawa sa akin ng Kataas-taasang Diyos.

3Kamangha-mangha at makapangyarihan ang mga himalang ipinakita ng Diyos. Ang paghahari niya ay walang hanggan.

4“Akong si Nebucadnezar ay nasa aking tahanan sa palasyo, mabuti at namuhay ako sa kasaganaan.

5Ngunit nagkaroon ako ng nakakatakot na panaginip at pangitain na bumabagabag sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.