3Kamangha-mangha at makapangyarihan ang mga himalang ipinakita ng Diyos. Ang paghahari niya ay walang hanggan.
4“Akong si Nebucadnezar ay nasa aking tahanan sa palasyo, mabuti at namuhay ako sa kasaganaan.
5Ngunit nagkaroon ako ng nakakatakot na panaginip at pangitain na bumabagabag sa akin.
6Kaya iniutos ko na dalhin sa akin ang lahat ng marurunong sa Babilonia upang ipaliwanag sa akin ang kahulugan ng aking panaginip.
7Nang dumating ang mga salamangkero, manghuhula at mga astrologo, sinabi ko sa kanila ang panaginip ko, pero hindi nila maipaliwanag ang kahulugan nito.