Daniel 8

Ang kambing naman ay ang kaharian ng Gresya, at ang malaking sungay sa gitna ng kanyang mga mata ay ang unang hari.

Daniel 8:21 (UKJV) And the rough goat is the king of Grecia: and the great horn that is between his eyes is the first king.

19Sinabi niya, “Sasabihin ko sa iyo kung ano ang mangyayari sa hinaharap kapag ibinuhos na ng Diyos ang kanyang galit, dahil naitakda na ang katapusan ng panahon.

20Ang tupang may dalawang sungay ay ang kaharian ng Media at Persia.

21Ang kambing naman ay ang kaharian ng Gresya, at ang malaking sungay sa gitna ng kanyang mga mata ay ang unang hari.

22Ang apat na sungay na tumubo pagkatapos maputol ang unang sungay ay ang apat na kaharian ng Gresya nang magkahati-hati ito. Ngunit ang kanilang mga hari ay hindi magiging makapangyarihan na tulad noong una.

23“Sa mga huling araw ng kanilang paghahari, sa panahong sukdulan na ang kanilang pagiging suwail, maghahari ang isang malupit at tusong hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.