Daniel 8

“Sa mga huling araw ng kanilang paghahari, sa panahong sukdulan na ang kanilang pagiging suwail, maghahari ang isang malupit at tusong hari.

Daniel 8:23 (UKJV) And in the latter time of their kingdom, when the transgressors are come to the full, a king of fierce countenance, and understanding dark sentences, shall stand up.

21Ang kambing naman ay ang kaharian ng Gresya, at ang malaking sungay sa gitna ng kanyang mga mata ay ang unang hari.

22Ang apat na sungay na tumubo pagkatapos maputol ang unang sungay ay ang apat na kaharian ng Gresya nang magkahati-hati ito. Ngunit ang kanilang mga hari ay hindi magiging makapangyarihan na tulad noong una.

23“Sa mga huling araw ng kanilang paghahari, sa panahong sukdulan na ang kanilang pagiging suwail, maghahari ang isang malupit at tusong hari.

24Siyaʼy magiging makapangyarihan, pero hindi tulad ng haring nauna sa kanya. Magtataka ang mga tao sa gagawin niyang panlilipol, at magtatagumpay siya sa anumang gagawin niya. Lilipulin niya ang mga makapangyarihang tao at ang mga hinirang na mga mamamayan ng Diyos.

25Dahil sa kanyang kakayahan, magtatagumpay siya sa kanyang pandaraya. Ipagmamalaki niya ang kanyang sarili, at maraming tao ang kanyang papatayin nang walang anumang babala. Lalabanan niya pati ang Pinuno ng mga pinuno. Ngunit lilipulin siya hindi sa kapangyarihan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.