Daniel 8

Ang apat na sungay na tumubo pagkatapos maputol ang unang sungay ay ang apat na kaharian ng Gresya nang magkahati-hati ito. Ngunit ang kanilang mga hari ay hindi magiging makapangyarihan na tulad noong una.

Daniel 8:22 (UKJV) Now that being broken, whereas four stood up for it, four kingdoms shall stand up out of the nation, but not in his power.

20Ang tupang may dalawang sungay ay ang kaharian ng Media at Persia.

21Ang kambing naman ay ang kaharian ng Gresya, at ang malaking sungay sa gitna ng kanyang mga mata ay ang unang hari.

22Ang apat na sungay na tumubo pagkatapos maputol ang unang sungay ay ang apat na kaharian ng Gresya nang magkahati-hati ito. Ngunit ang kanilang mga hari ay hindi magiging makapangyarihan na tulad noong una.

23“Sa mga huling araw ng kanilang paghahari, sa panahong sukdulan na ang kanilang pagiging suwail, maghahari ang isang malupit at tusong hari.

24Siyaʼy magiging makapangyarihan, pero hindi tulad ng haring nauna sa kanya. Magtataka ang mga tao sa gagawin niyang panlilipol, at magtatagumpay siya sa anumang gagawin niya. Lilipulin niya ang mga makapangyarihang tao at ang mga hinirang na mga mamamayan ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.