19Panginoon, dinggin nʼyo po kami at patawarin. Tulungan nʼyo kami agad alang-alang sa inyong pangalan, dahil kayo ay kinikilalang Diyos sa inyong bayan at ng inyong mga mamamayan.”
20Habang akoʼy nagsasalita at nananalangin at ipinapahayag ang aking kasalanan at ang kasalanan ng aking mga kababayang Israelita. Nagmakaawa ako sa Panginoon kong Diyos alang-alang sa kanyang banal na bundok.
21At habang nananalangin ako, mabilis na lumipad papunta sa akin si Gabriel na nakita ko noon sa aking pangitain. Oras iyon ng panghapong paghahandog.
22Pinaunawa niya sa akin at sinabi, “Daniel, naparito ako upang ipaliwanag sa iyo ang tungkol sa pangitain.
23Sa simula pa lamang ng iyong panalangin ay may ipinahayag na ang Diyos, kung kayaʼt akoʼy pumarito para sabihin sa iyo, dahil mahal ka ng Diyos. Kaya makinig ka at unawain ang sasabihin ko sa iyo.