21At habang nananalangin ako, mabilis na lumipad papunta sa akin si Gabriel na nakita ko noon sa aking pangitain. Oras iyon ng panghapong paghahandog.
22Pinaunawa niya sa akin at sinabi, “Daniel, naparito ako upang ipaliwanag sa iyo ang tungkol sa pangitain.
23Sa simula pa lamang ng iyong panalangin ay may ipinahayag na ang Diyos, kung kayaʼt akoʼy pumarito para sabihin sa iyo, dahil mahal ka ng Diyos. Kaya makinig ka at unawain ang sasabihin ko sa iyo.
24“Isang yugto ng pitumpung pito ang itinakda ng Diyos sa banal na lungsod at sa mga kababayan mo upang tigilan nila ang pagrerebelde sa Diyos, upang mapatawad ang kanilang kasalanan, upang mapairal ng Diyos ang walang hanggang katuwiran, upang matupad ang pangitain at propesiya, at upang maihandog na muli ang Pinakabanal na Lugar.
25“Dapat mong malaman at maintindihan na mula sa panahong iniutos na muling itayo ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng pinunong hinirang ng Diyos ay lilipas muna ang apatnapuʼt siyam na taon. At sa loob ng 434 na taon ay muling itatayo ang Jerusalem na may mga plasa at tanggulan. Magiging magulo sa panahong iyon.