17Wala dapat kayong papanigan sa inyong paghatol; parehas ninyong pakinggan ang mga mahihirap at mayayaman. Huwag kayong matatakot kahit kanino, dahil galing sa Diyos ang mga desisyong ginagawa ninyo. Kung mahirap para sa inyo ang kaso, dalhin ninyo ito sa akin at ako na ang bahala sa paghatol nito.”
18At sinabi ko rin sa inyo noon ang lahat ng dapat ninyong gawin.
19Ayon sa iniutos ng Panginoon na ating Diyos, umalis tayo sa Bundok ng Sinai, at naglakbay sa malawak at nakakatakot na ilang na nakita mismo ninyo, at pumunta tayo sa kaburulan ng mga Amoreo. Pagdating natin sa Kades-barnea,
20sinabi ko sa inyo, “Nakarating na tayo sa kaburulan ng mga Amoreo na ibinibigay sa atin ng Panginoon na ating Diyos.
21Tingnan ninyo ang lupaing ibinigay niya sa inyo. Angkinin ninyo ito ayon sa sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno. Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob.”