20sinabi ko sa inyo, “Nakarating na tayo sa kaburulan ng mga Amoreo na ibinibigay sa atin ng Panginoon na ating Diyos.
21Tingnan ninyo ang lupaing ibinigay niya sa inyo. Angkinin ninyo ito ayon sa sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno. Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob.”
22Pagkatapos ay lumapit kayong lahat sa akin at nagsabing, “Magpadala muna tayo ng mga lalaking magmamanman sa lupain at mag-uulat kung saan tayo dadaan at kung saan ang mga bayang pupuntahan natin.”
23Napag-isip-isip kong mabuti ang planong iyon kaya pumili ako ng labindalawang tao, isa sa bawat lahi.
24Lumakad sila at dumaan sa kaburulan, at nakarating sa Lambak ng Eshcol at nagmanman sila roon.