23Napag-isip-isip kong mabuti ang planong iyon kaya pumili ako ng labindalawang tao, isa sa bawat lahi.
24Lumakad sila at dumaan sa kaburulan, at nakarating sa Lambak ng Eshcol at nagmanman sila roon.
25Sa kanilang pagbalik, may dala sila sa ating mga prutas galing doon, at ibinalita nila na masagana ang lupaing ibinibigay ng Panginoon na ating Diyos.
26Subalit ayaw ninyong pumunta doon, sinuway ninyo ang utos ng Panginoon na inyong Diyos.
27Nagreklamo kayo sa inyong mga tolda at sinabi, “Kinasusuklaman tayo ng Panginoon, kaya pinaalis niya tayo sa Ehipto para ibigay sa kamay ng mga Amoreo at kanilang patayin.