Deuteronomio 1

Subalit ayaw ninyong pumunta doon, sinuway ninyo ang utos ng Panginoon na inyong Diyos.

Deuteronomy 1:26 (UKJV) Notwithstanding all of you would not go up, but rebelled against the commandment of the LORD your God:

24Lumakad sila at dumaan sa kaburulan, at nakarating sa Lambak ng Eshcol at nagmanman sila roon.

25Sa kanilang pagbalik, may dala sila sa ating mga prutas galing doon, at ibinalita nila na masagana ang lupaing ibinibigay ng Panginoon na ating Diyos.

26Subalit ayaw ninyong pumunta doon, sinuway ninyo ang utos ng Panginoon na inyong Diyos.

27Nagreklamo kayo sa inyong mga tolda at sinabi, “Kinasusuklaman tayo ng Panginoon, kaya pinaalis niya tayo sa Ehipto para ibigay sa kamay ng mga Amoreo at kanilang patayin.

28Paano tayo makakapunta roon? Tinakot tayo ng mga nagmanman sa lupain. Sinasabi nilang mas malalakas at mas matataas pa sa atin ang mga tao roon, at ang mga lungsod nila ay malalaki at napapalibutan ng mga pader na parang umabot na sa langit ang taas. At nakita pa nila roon ang mga higanteng mula sa lahi ni Anak.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.