Deuteronomio 1

Ang Panginoon na inyong Diyos ang mangunguna at makikipaglaban para sa inyo, kagaya ng nakita ninyong ginawa niya sa Ehipto

Deuteronomy 1:30 (UKJV) The LORD your God which goes before you, he shall fight for you, according to all that he did for you in Egypt before your eyes;

28Paano tayo makakapunta roon? Tinakot tayo ng mga nagmanman sa lupain. Sinasabi nilang mas malalakas at mas matataas pa sa atin ang mga tao roon, at ang mga lungsod nila ay malalaki at napapalibutan ng mga pader na parang umabot na sa langit ang taas. At nakita pa nila roon ang mga higanteng mula sa lahi ni Anak.”

29Pagkatapos, sinabi ko sa inyo, “Huwag kayong masindak o matakot sa kanila.

30Ang Panginoon na inyong Diyos ang mangunguna at makikipaglaban para sa inyo, kagaya ng nakita ninyong ginawa niya sa Ehipto

31at sa ilang. Nakita ninyo kung paano kayo inalagaan ng Panginoon na inyong Diyos, katulad ng ama na nag-aalaga sa kanyang anak, hanggang sa makarating kayo sa lugar na ito.”

32Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin kayo nagtiwala sa Panginoon na inyong Diyos

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.