8Kaya sundin ninyo ang lahat ng utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon para may lakas kayo sa paglalakbay at sa pag-agaw ng lupain sa kabila ng Jordan.
9Kung susunod kayo, mabubuhay kayo nang matagal doon sa lupaing masagana sa gatas at pulot na ipinangako ng Panginoon na ibibigay sa inyong mga ninuno at sa kanilang mga salinlahi.
10Sapagkat ang lupain na aangkinin at titirhan ninyo ay hindi gaya ng lupain sa Ehipto na pinanggalingan ninyo. Doon sa Ehipto, kapag magtatanim kayo, magpapakahirap pa kayo ng todo sa pagpapatubig nito.
11Ngunit ang lupain na aangkinin ninyo ay may mga bundok at lambak na laging nauulanan.
12Ang lupaing ito ay inaalagaan ng Panginoon na inyong Diyos; binabantayan niya ito araw-araw sa buong taon!