10Sapagkat ang lupain na aangkinin at titirhan ninyo ay hindi gaya ng lupain sa Ehipto na pinanggalingan ninyo. Doon sa Ehipto, kapag magtatanim kayo, magpapakahirap pa kayo ng todo sa pagpapatubig nito.
11Ngunit ang lupain na aangkinin ninyo ay may mga bundok at lambak na laging nauulanan.
12Ang lupaing ito ay inaalagaan ng Panginoon na inyong Diyos; binabantayan niya ito araw-araw sa buong taon!
13Kaya kung talagang susundin ninyo ang mga utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon, na mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos at paglingkuran ninyo nang buong pusoʼt kaluluwa,
14padadalhan niya kayo ng ulan sa tamang panahon para makapag-ani kayo ng trigo, ng ubas na gagawing bagong alak at ng olibo na gagawing langis.