14padadalhan niya kayo ng ulan sa tamang panahon para makapag-ani kayo ng trigo, ng ubas na gagawing bagong alak at ng olibo na gagawing langis.
15Bibigyan niya ng pastulan ang mga hayop ninyo, at magkakaroon kayo ng masaganang pagkain.
16Mag-ingat kayo dahil baka matukso kayong lumayo sa Diyos at sumamba sa ibang mga diyos at maglingkod sa kanila.
17Kapag ginawa ninyo ito, magagalit ang Panginoon sa inyo at hindi na niya pauulanin at hindi na kayo makakapag-ani, at sa huli ay mawawala kayo sa magandang lupain na ibibigay ng Panginoon sa inyo.
18Kaya panatilihin ninyo ang mga salita kong ito sa inyong pusoʼt isipan. Itali ninyo ito sa mga braso ninyo at ilagay sa inyong noo bilang paalala sa inyo.