Deuteronomio 11

Alalahanin ninyo ang naranasang pagtutuwid ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo. Kayo ang nakaranas nito at hindi ang mga anak ninyo. Hindi sila ang nakakita ng kadakilaan at kapangyarihan ng Panginoon,

Deuteronomy 11:2 (UKJV) And know all of you this day: for I speak not with your children which have not known, and which have not seen the chastisement of the LORD your God, his greatness, his mighty hand, and his stretched out arm,

1Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos at tuparin ang kanyang mga utos, tuntunin, panuntunan at kautusan.

2Alalahanin ninyo ang naranasang pagtutuwid ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo. Kayo ang nakaranas nito at hindi ang mga anak ninyo. Hindi sila ang nakakita ng kadakilaan at kapangyarihan ng Panginoon,

3at ng mga himala na ginawa niya sa Ehipto laban sa Faraon na hari nito at sa buong bansa nito.

4Hindi rin nila nakita ang ginawa ng Panginoon sa mga sundalong Ehipsiyo at sa mga kabayo at mga karwahe nila, at kung paano nilunod ng Panginoon ang mga ito sa Dagat na Pula nang hinabol nila kayo. Nangamatay silang lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.