1Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos at tuparin ang kanyang mga utos, tuntunin, panuntunan at kautusan.
2Alalahanin ninyo ang naranasang pagtutuwid ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo. Kayo ang nakaranas nito at hindi ang mga anak ninyo. Hindi sila ang nakakita ng kadakilaan at kapangyarihan ng Panginoon,
3at ng mga himala na ginawa niya sa Ehipto laban sa Faraon na hari nito at sa buong bansa nito.
4Hindi rin nila nakita ang ginawa ng Panginoon sa mga sundalong Ehipsiyo at sa mga kabayo at mga karwahe nila, at kung paano nilunod ng Panginoon ang mga ito sa Dagat na Pula nang hinabol nila kayo. Nangamatay silang lahat.
5Hindi rin nakita ng mga anak ninyo ang ginawa ng Panginoon sa inyo roon sa disyerto hanggang sa makarating kayo sa lugar na ito,