Deuteronomio 11

Hindi rin nakita ng mga anak ninyo ang ginawa ng Panginoon sa inyo roon sa disyerto hanggang sa makarating kayo sa lugar na ito,

Deuteronomy 11:5 (UKJV) And what he did unto you in the wilderness, until all of you came into this place;

3at ng mga himala na ginawa niya sa Ehipto laban sa Faraon na hari nito at sa buong bansa nito.

4Hindi rin nila nakita ang ginawa ng Panginoon sa mga sundalong Ehipsiyo at sa mga kabayo at mga karwahe nila, at kung paano nilunod ng Panginoon ang mga ito sa Dagat na Pula nang hinabol nila kayo. Nangamatay silang lahat.

5Hindi rin nakita ng mga anak ninyo ang ginawa ng Panginoon sa inyo roon sa disyerto hanggang sa makarating kayo sa lugar na ito,

6at kung ano ang ginawa niya kina Datan at Abiram, na mga anak ni Eliab na lahi ni Ruben. Nilamon sila ng lupang bumuka, pati ang kanilang pamilya, tolda at ang lahat ng nakatirang kasama nila. Nangyari ito sa harap ng mga Israelita.

7Kayo ang nakakita ng mga dakilang bagay na ito na ginawa ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.