5Hindi rin nakita ng mga anak ninyo ang ginawa ng Panginoon sa inyo roon sa disyerto hanggang sa makarating kayo sa lugar na ito,
6at kung ano ang ginawa niya kina Datan at Abiram, na mga anak ni Eliab na lahi ni Ruben. Nilamon sila ng lupang bumuka, pati ang kanilang pamilya, tolda at ang lahat ng nakatirang kasama nila. Nangyari ito sa harap ng mga Israelita.
7Kayo ang nakakita ng mga dakilang bagay na ito na ginawa ng Panginoon.
8Kaya sundin ninyo ang lahat ng utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon para may lakas kayo sa paglalakbay at sa pag-agaw ng lupain sa kabila ng Jordan.
9Kung susunod kayo, mabubuhay kayo nang matagal doon sa lupaing masagana sa gatas at pulot na ipinangako ng Panginoon na ibibigay sa inyong mga ninuno at sa kanilang mga salinlahi.