26Makinig kayo! Pinapapili ko kayo ngayon sa pagpapala o sa sumpa.
27Pagpapalain kayo kung susundin ninyo ang mga utos ng Panginoon na inyong Diyos na ibinibigay ko sa inyo ngayon.
28Susumpain ko kayo kung hindi ninyo susundin ang mga utos na ito ng Panginoon na ibinibigay ko sa inyo ngayon, at sumamba sa ibang mga diyos na hindi naman ninyo kilala.
29Kapag dinala kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lupain na inyong titirhan at aangkinin, ipahayag ninyo ang mga pagpapala sa Bundok ng Gerizim at ang sumpa ay ipahayag ninyo sa Bundok ng Ebal.
30Ang mga bundok na ito ay nasa kanluran ng Kapatagan ng Jordan, sa lupain ng mga Cananeo na naninirahan sa Kapatagan ng Jordan malapit sa bayan ng Gilgal. Hindi ito malayo sa mga malalaking puno ng Moreh.