Deuteronomio 11

Makinig kayo! Pinapapili ko kayo ngayon sa pagpapala o sa sumpa.

Deuteronomy 11:26 (UKJV) Behold, I set before you this day a blessing and a curse;

24Ang lahat ng lupang matatapakan ninyo ay magiging inyo: mula sa disyerto papunta sa Lebanon, at mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa Dagat ng Mediteraneo.

25Walang makakapigil sa inyo. Ayon sa ipinangako ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo, loloobin niyang matakot ang mga tao sa inyo saanmang dako kayo pumunta sa lugar na iyon.

26Makinig kayo! Pinapapili ko kayo ngayon sa pagpapala o sa sumpa.

27Pagpapalain kayo kung susundin ninyo ang mga utos ng Panginoon na inyong Diyos na ibinibigay ko sa inyo ngayon.

28Susumpain ko kayo kung hindi ninyo susundin ang mga utos na ito ng Panginoon na ibinibigay ko sa inyo ngayon, at sumamba sa ibang mga diyos na hindi naman ninyo kilala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.