Deuteronomio 12

Subalit kung hindi panghandog, maaari ninyong katayin at kainin ang hayop saanman kayo nakatira. Magpakasawa kayong kumain ng karne nito, kagaya ng pagkain ninyo ng usa at ng gasela ayon sa pagpapalang ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos. Ang bawat tao ay makakakain nito, itinuturing man siyang malinis o marumi.

Deuteronomy 12:15 (UKJV) Notwithstanding you may kill and eat flesh in all your gates, whatsoever your soul lusts after, according to the blessing of the LORD your God which he has given you: the unclean and the clean may eat thereof, as of the roebuck, and as of the hart.

13Huwag ninyong ihandog ang inyong mga handog na sinusunog sa kahit saang lugar lang na gustuhin ninyo,

14kundi, ihandog ninyo ito sa lugar ng lahi na pipiliin ng Panginoon, at doon ninyo gawin ang lahat ng iniutos ko sa inyo.

15Subalit kung hindi panghandog, maaari ninyong katayin at kainin ang hayop saanman kayo nakatira. Magpakasawa kayong kumain ng karne nito, kagaya ng pagkain ninyo ng usa at ng gasela ayon sa pagpapalang ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos. Ang bawat tao ay makakakain nito, itinuturing man siyang malinis o marumi.

16Ngunit huwag ninyong kakainin ang dugo; ibuhos ninyo ito sa lupa kagaya ng tubig.

17Huwag din ninyong kainin o inumin ang mga sumusunod: ang ikapu ng inyong mga trigo, bagong alak at langis, ang panganay na anak ng inyong mga hayop, ang anumang ipinangako ninyong handog at espesyal na mga regalo, at handog na kusang-loob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.