Deuteronomio 12

Huwag din ninyong kainin o inumin ang mga sumusunod: ang ikapu ng inyong mga trigo, bagong alak at langis, ang panganay na anak ng inyong mga hayop, ang anumang ipinangako ninyong handog at espesyal na mga regalo, at handog na kusang-loob.

Deuteronomy 12:17 (UKJV) You may not eat within your gates the tithe of your corn, or of your wine, or of your oil, or the firstlings of your herds or of your flock, nor any of your vows which you vow, nor your freewill offerings, or heave offering of yours hand:

15Subalit kung hindi panghandog, maaari ninyong katayin at kainin ang hayop saanman kayo nakatira. Magpakasawa kayong kumain ng karne nito, kagaya ng pagkain ninyo ng usa at ng gasela ayon sa pagpapalang ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos. Ang bawat tao ay makakakain nito, itinuturing man siyang malinis o marumi.

16Ngunit huwag ninyong kakainin ang dugo; ibuhos ninyo ito sa lupa kagaya ng tubig.

17Huwag din ninyong kainin o inumin ang mga sumusunod: ang ikapu ng inyong mga trigo, bagong alak at langis, ang panganay na anak ng inyong mga hayop, ang anumang ipinangako ninyong handog at espesyal na mga regalo, at handog na kusang-loob.

18Kundi kainin lang ninyo ito sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos doon sa lugar na pipiliin niya kasama ng inyong mga anak, mga alipin at ng mga Levita na naninirahan sa inyong mga bayan. Magsasaya kayo sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng kanyang ginawa.

19Huwag ninyong pababayaan ang mga Levita habang nabubuhay kayo sa inyong lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.