Deuteronomio 12

Kundi kainin lang ninyo ito sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos doon sa lugar na pipiliin niya kasama ng inyong mga anak, mga alipin at ng mga Levita na naninirahan sa inyong mga bayan. Magsasaya kayo sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng kanyang ginawa.

Deuteronomy 12:18 (UKJV) But you must eat them before the LORD your God in the place which the LORD your God shall choose, you, and your son, and your daughter, and your manservant, and your maidservant, and the Levite that is within your gates: and you shall rejoice before the LORD your God in all that you put yours hands unto.

16Ngunit huwag ninyong kakainin ang dugo; ibuhos ninyo ito sa lupa kagaya ng tubig.

17Huwag din ninyong kainin o inumin ang mga sumusunod: ang ikapu ng inyong mga trigo, bagong alak at langis, ang panganay na anak ng inyong mga hayop, ang anumang ipinangako ninyong handog at espesyal na mga regalo, at handog na kusang-loob.

18Kundi kainin lang ninyo ito sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos doon sa lugar na pipiliin niya kasama ng inyong mga anak, mga alipin at ng mga Levita na naninirahan sa inyong mga bayan. Magsasaya kayo sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng kanyang ginawa.

19Huwag ninyong pababayaan ang mga Levita habang nabubuhay kayo sa inyong lupain.

20Kapag napalawak na ng Panginoon na inyong Diyos ang teritoryo ninyo ayon sa ipinangako niya sa inyo, at gusto ninyong kumain ng karne, maaari kayong kumain anumang oras na gustuhin ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.