Deuteronomio 12

Kapag napalawak na ng Panginoon na inyong Diyos ang teritoryo ninyo ayon sa ipinangako niya sa inyo, at gusto ninyong kumain ng karne, maaari kayong kumain anumang oras na gustuhin ninyo.

Deuteronomy 12:20 (UKJV) When the LORD your God shall enlarge your border, as he has promised you, and you shall say, I will eat flesh, because your soul longs to eat flesh; you may eat flesh, whatsoever your soul lusts after.

18Kundi kainin lang ninyo ito sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos doon sa lugar na pipiliin niya kasama ng inyong mga anak, mga alipin at ng mga Levita na naninirahan sa inyong mga bayan. Magsasaya kayo sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng kanyang ginawa.

19Huwag ninyong pababayaan ang mga Levita habang nabubuhay kayo sa inyong lupain.

20Kapag napalawak na ng Panginoon na inyong Diyos ang teritoryo ninyo ayon sa ipinangako niya sa inyo, at gusto ninyong kumain ng karne, maaari kayong kumain anumang oras na gustuhin ninyo.

21Kung malayo sa inyo ang lugar na pinili ng Panginoon na kung saan ninyo siya pararangalan, maaari kayong magkatay ng inyong mga baka o tupa sa inyong lugar. At ayon sa iniutos ko sa inyo, maaari kayong magpakasawa sa pagkain ng mga hayop na ibinigay ng Panginoon sa inyo,

22katulad ng pagkain ninyo ng gasela at ng usa. Ang bawat tao ay makakakain nito, itinuturing man siyang malinis o marumi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.