Deuteronomio 13

huwag kang magpapadala o makikinig sa kanya. Huwag mo siyang kaaawaan o kakampihan.

Deuteronomy 13:8 (UKJV) You shall not consent unto him, nor hearken unto him; neither shall yours eye pity him, neither shall you spare, neither shall you conceal him:

6Halimbawang ang iyong kapatid o anak, o ang iyong minamahal na asawa o ang pinakamatalik mong kaibigan ay lihim kang hinikayat at sabihing, “Halika, sumamba tayo sa ibang mga diyos” (mga diyos na hindi pa natin nakikilala maging ng ating mga ninuno.

7Kapag hinikayat ka niyang sambahin ang mga diyos na sinasamba ng mga tao sa paligid ninyo o ng mga tao sa malalayong lugar),

8huwag kang magpapadala o makikinig sa kanya. Huwag mo siyang kaaawaan o kakampihan.

9Dapat mo siyang patayin. Ikaw ang unang babato at susunod ang lahat ng tao, para patayin siya.

10Babatuhin siya hanggang sa mamatay dahil tinangka niyang ilayo kayo sa Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto kung saan kayo inalipin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.