Deuteronomio 13

Kapag hinikayat ka niyang sambahin ang mga diyos na sinasamba ng mga tao sa paligid ninyo o ng mga tao sa malalayong lugar),

Deuteronomy 13:7 (UKJV) Namely, of the gods of the people which are round about you, nigh unto you, or far off from you, from the one end of the earth even unto the other end of the earth;

5Dapat patayin ang propeta o ang tagapagpaliwanag ng panaginip dahil itinuturo niyang magrebelde kayo sa Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto at nagligtas sa inyo sa pagkaalipin. Tinatangka ng mga taong ito na ilayo kayo sa mga pamamaraang iniutos ng Panginoon na inyong Diyos na sundin ninyo. Sa pamamagitan nito, mawawala ang masasamang gawa sa inyong bansa.

6Halimbawang ang iyong kapatid o anak, o ang iyong minamahal na asawa o ang pinakamatalik mong kaibigan ay lihim kang hinikayat at sabihing, “Halika, sumamba tayo sa ibang mga diyos” (mga diyos na hindi pa natin nakikilala maging ng ating mga ninuno.

7Kapag hinikayat ka niyang sambahin ang mga diyos na sinasamba ng mga tao sa paligid ninyo o ng mga tao sa malalayong lugar),

8huwag kang magpapadala o makikinig sa kanya. Huwag mo siyang kaaawaan o kakampihan.

9Dapat mo siyang patayin. Ikaw ang unang babato at susunod ang lahat ng tao, para patayin siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.