Deuteronomio 13

Halimbawang ang iyong kapatid o anak, o ang iyong minamahal na asawa o ang pinakamatalik mong kaibigan ay lihim kang hinikayat at sabihing, “Halika, sumamba tayo sa ibang mga diyos” (mga diyos na hindi pa natin nakikilala maging ng ating mga ninuno.

Deuteronomy 13:6 (UKJV) If your brother, the son of your mother, or your son, or your daughter, or the wife of your bosom, or your friend, which is as yours own soul, entice you secretly, saying, Let us go and serve other gods, which you have not known, you, nor your fathers;

4Ang Panginoon na inyong Diyos lang ang dapat ninyong sundin at igalang. Tuparin ninyo ang kanyang mga utos at sundin nʼyo siya; paglingkuran siya at manatili kayo sa kanya.

5Dapat patayin ang propeta o ang tagapagpaliwanag ng panaginip dahil itinuturo niyang magrebelde kayo sa Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto at nagligtas sa inyo sa pagkaalipin. Tinatangka ng mga taong ito na ilayo kayo sa mga pamamaraang iniutos ng Panginoon na inyong Diyos na sundin ninyo. Sa pamamagitan nito, mawawala ang masasamang gawa sa inyong bansa.

6Halimbawang ang iyong kapatid o anak, o ang iyong minamahal na asawa o ang pinakamatalik mong kaibigan ay lihim kang hinikayat at sabihing, “Halika, sumamba tayo sa ibang mga diyos” (mga diyos na hindi pa natin nakikilala maging ng ating mga ninuno.

7Kapag hinikayat ka niyang sambahin ang mga diyos na sinasamba ng mga tao sa paligid ninyo o ng mga tao sa malalayong lugar),

8huwag kang magpapadala o makikinig sa kanya. Huwag mo siyang kaaawaan o kakampihan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.