Deuteronomio 15

Sa pagtatapos ng bawat ikapitong taon, dapat ninyong ipawalang-bisa ang lahat ng utang.

Deuteronomy 15:1 (UKJV) At the end of every seven years you shall make a release.

1Sa pagtatapos ng bawat ikapitong taon, dapat ninyong ipawalang-bisa ang lahat ng utang.

2Ito ang gawin ninyo: Hindi na dapat singilin ng nagpautang ang utang ng kapwa niya Israelita. Hindi na niya ito sisingilin dahil umabot na ang panahon na itinakda ng Panginoon na ipawalang-bisa ang mga utang.

3Maaari ninyong singilin ang mga dayuhan ngunit dapat ipawalang-bisa ninyo ang utang ng inyong kapwa Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.