9Huwag kayong mag-iisip ng masama, na dahil sa malapit na ang ikapitong taon, ang taon ng pagkakansela ng mga utang, hindi na lang kayo magpapautang sa mga kababayan ninyong mahihirap. Kapag dumaing sa Panginoon ang mga mahihirap na ito dahil sa inyong ginawa, may pananagutan kayo.
10Magbigay kayo sa kanila nang bukal sa loob. Kapag ginawa ninyo ito, pagpapalain kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng inyong ginagawa.
11Hindi maiiwasan na may mahihirap sa inyong bayan, kaya inuutusan ko kayong maging lubos na mapagbigay sa kanila.
12Kung ipinagbili ng kapwa mo Hebreo, lalaki man o babae, ang sarili niya sa iyo bilang alipin, at naglingkod siya sa iyo sa loob ng anim na taon, kailangang palayain mo siya sa ikapitong taon.
13At kapag palalayain mo na siya, huwag mo siyang paaalisin nang walang dala.