Deuteronomio 15

Kung ipinagbili ng kapwa mo Hebreo, lalaki man o babae, ang sarili niya sa iyo bilang alipin, at naglingkod siya sa iyo sa loob ng anim na taon, kailangang palayain mo siya sa ikapitong taon.

Deuteronomy 15:12 (UKJV) And if your brother, an Hebrew man, or an Hebrew woman, be sold unto you, and serve you six years; then in the seventh year you shall let him go free from you.

10Magbigay kayo sa kanila nang bukal sa loob. Kapag ginawa ninyo ito, pagpapalain kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng inyong ginagawa.

11Hindi maiiwasan na may mahihirap sa inyong bayan, kaya inuutusan ko kayong maging lubos na mapagbigay sa kanila.

12Kung ipinagbili ng kapwa mo Hebreo, lalaki man o babae, ang sarili niya sa iyo bilang alipin, at naglingkod siya sa iyo sa loob ng anim na taon, kailangang palayain mo siya sa ikapitong taon.

13At kapag palalayain mo na siya, huwag mo siyang paaalisin nang walang dala.

14Bigyan mo siya ng saganang hayop, trigo at alak ayon sa pagpapala ng Panginoon sa iyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.