Deuteronomio 15

Magbigay kayo sa kanila nang bukal sa loob. Kapag ginawa ninyo ito, pagpapalain kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng inyong ginagawa.

Deuteronomy 15:10 (UKJV) You shall surely give him, and yours heart shall not be grieved when you give unto him: because that for this thing the LORD your God shall bless you in all your works, and in all that you put yours hand unto.

8Kundi maging mapagbigay kayo at pautangin ninyo siya ng kanyang mga pangangailangan.

9Huwag kayong mag-iisip ng masama, na dahil sa malapit na ang ikapitong taon, ang taon ng pagkakansela ng mga utang, hindi na lang kayo magpapautang sa mga kababayan ninyong mahihirap. Kapag dumaing sa Panginoon ang mga mahihirap na ito dahil sa inyong ginawa, may pananagutan kayo.

10Magbigay kayo sa kanila nang bukal sa loob. Kapag ginawa ninyo ito, pagpapalain kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng inyong ginagawa.

11Hindi maiiwasan na may mahihirap sa inyong bayan, kaya inuutusan ko kayong maging lubos na mapagbigay sa kanila.

12Kung ipinagbili ng kapwa mo Hebreo, lalaki man o babae, ang sarili niya sa iyo bilang alipin, at naglingkod siya sa iyo sa loob ng anim na taon, kailangang palayain mo siya sa ikapitong taon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.