Deuteronomio 17

Kung uupo na siya sa trono bilang hari, kailangan niyang kopyahin at isulat ang mga kautusang ito para sa kanyang sarili sa harapan ng mga pari na mga Levita.

Deuteronomy 17:18 (UKJV) And it shall be, when he sits upon the throne of his kingdom, that he shall write him a copy of this law in a book out of that which is before the priests the Levites:

16Hindi dapat mag-ipon ng maraming kabayo ang hari ninyo, at hindi niya dapat pabalikin sa Ehipto ang mga tauhan niya para bumili ng mga kabayo, dahil sinabi ng Panginoong Diyos sa inyo na huwag na kayong babalik doon.

17Hindi siya dapat magkaroon ng maraming asawa dahil tiyak na tatalikod siya sa Panginoon. At hindi dapat siya nagmamay-ari ng maraming pilak at ginto.

18Kung uupo na siya sa trono bilang hari, kailangan niyang kopyahin at isulat ang mga kautusang ito para sa kanyang sarili sa harapan ng mga pari na mga Levita.

19Dapat niya itong ingatan at laging basahin sa buong buhay niya para matuto siyang gumalang sa Panginoon na kanyang Diyos, at masunod niya nang mabuti ang lahat ng sinasabi ng mga kautusan at mga tuntunin.

20Sa pamamagitan din ng laging pagbabasa nito, makakaiwas siya sa pagyayabang sa kapwa niya Israelita, at makakaiwas siya sa pagsuway sa mga utos ng Panginoon. Kung susundin niyang lahat ito, maghahari siya at ang kanyang angkan nang matagal sa Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.