17Hindi siya dapat magkaroon ng maraming asawa dahil tiyak na tatalikod siya sa Panginoon. At hindi dapat siya nagmamay-ari ng maraming pilak at ginto.
18Kung uupo na siya sa trono bilang hari, kailangan niyang kopyahin at isulat ang mga kautusang ito para sa kanyang sarili sa harapan ng mga pari na mga Levita.
19Dapat niya itong ingatan at laging basahin sa buong buhay niya para matuto siyang gumalang sa Panginoon na kanyang Diyos, at masunod niya nang mabuti ang lahat ng sinasabi ng mga kautusan at mga tuntunin.
20Sa pamamagitan din ng laging pagbabasa nito, makakaiwas siya sa pagyayabang sa kapwa niya Israelita, at makakaiwas siya sa pagsuway sa mga utos ng Panginoon. Kung susundin niyang lahat ito, maghahari siya at ang kanyang angkan nang matagal sa Israel.