14Kapag nakapasok na kayo sa lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos at maangkin na ninyo iyon at doon na kayo manirahan, sasabihin ninyo, “Pumili tayo ng hari na mamumuno sa atin katulad ng mga bansa sa palibot natin.”
15Siguraduhin ninyo na ang pipiliin ninyong hari ay ang pinili rin ng Panginoon na inyong Diyos, at kailangang katulad ninyo siyang Israelita. Huwag kayong pipili ng dayuhan.
16Hindi dapat mag-ipon ng maraming kabayo ang hari ninyo, at hindi niya dapat pabalikin sa Ehipto ang mga tauhan niya para bumili ng mga kabayo, dahil sinabi ng Panginoong Diyos sa inyo na huwag na kayong babalik doon.
17Hindi siya dapat magkaroon ng maraming asawa dahil tiyak na tatalikod siya sa Panginoon. At hindi dapat siya nagmamay-ari ng maraming pilak at ginto.
18Kung uupo na siya sa trono bilang hari, kailangan niyang kopyahin at isulat ang mga kautusang ito para sa kanyang sarili sa harapan ng mga pari na mga Levita.