Deuteronomio 19

kailangang ipakuha siya ng mga tagapamahala ng kanyang bayan at ibigay sa gustong gumanti sa kanya para patayin siya.

Deuteronomy 19:12 (UKJV) Then the elders of his city shall send and fetch him thence, and deliver him into the hand of the avenger of blood, that he may die.

10Gawin ninyo ito upang walang inosenteng tao na mamamatay sa lupain ninyo, na ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos bilang mana, at upang hindi kayo magkasala kung may inosenteng tao na mapatay.

11Ngunit kung ang isang tao ay napopoot sa kanyang kapwa at inabangan niya ito at pinatay, at pagkatapos ay tumakas siya papunta sa isa sa mga lungsod ng kanlungan,

12kailangang ipakuha siya ng mga tagapamahala ng kanyang bayan at ibigay sa gustong gumanti sa kanya para patayin siya.

13Huwag kayong maaawa sa kanya. Kailangang alisin ninyo sa Israel ang pumapatay ng mga inosenteng tao upang maging mabuti ang inyong kalagayan.

14Kapag dumating na kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos na inyong aangkinin, huwag ninyong nanakawin ang lupain ng inyong kapwa sa pamamagitan ng paglilipat ng muhon ng kanyang lupain na inilagay noon ng inyong ninuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.