Deuteronomio 19

Gawin ninyo ito upang walang inosenteng tao na mamamatay sa lupain ninyo, na ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos bilang mana, at upang hindi kayo magkasala kung may inosenteng tao na mapatay.

Deuteronomy 19:10 (UKJV) That innocent blood be not shed in your land, which the LORD your God gives you for an inheritance, and so blood be upon you.

8Palalawakin ng Panginoon na inyong Diyos ang teritoryo ninyo ayon sa ipinangako niya sa inyong mga ninuno, at magiging inyo ang buong lupaing ipinangako niya sa kanila.

9Gagawin ito ng Panginoon na inyong Diyos kung susundin ninyong mabuti ang lahat ng utos na iniuutos ko sa inyo ngayon, na mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos at mamuhay kayong lagi ayon sa kanyang mga pamamaraan. Kapag lumawak na ang inyong lupain, magdagdag pa kayo ng tatlo pang bayan ng kanlungan.

10Gawin ninyo ito upang walang inosenteng tao na mamamatay sa lupain ninyo, na ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos bilang mana, at upang hindi kayo magkasala kung may inosenteng tao na mapatay.

11Ngunit kung ang isang tao ay napopoot sa kanyang kapwa at inabangan niya ito at pinatay, at pagkatapos ay tumakas siya papunta sa isa sa mga lungsod ng kanlungan,

12kailangang ipakuha siya ng mga tagapamahala ng kanyang bayan at ibigay sa gustong gumanti sa kanya para patayin siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.