Deuteronomio 19

Gagawin ito ng Panginoon na inyong Diyos kung susundin ninyong mabuti ang lahat ng utos na iniuutos ko sa inyo ngayon, na mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos at mamuhay kayong lagi ayon sa kanyang mga pamamaraan. Kapag lumawak na ang inyong lupain, magdagdag pa kayo ng tatlo pang bayan ng kanlungan.

Deuteronomy 19:9 (UKJV) If you shall keep all these commandments to do them, which I command you this day, to love the LORD your God, and to walk ever in his ways; then shall you add three cities more for you, beside these three:

7Ito ang dahilan kung bakit ko kayo inuutusang pumili ng tatlong lungsod ng kanlungan.

8Palalawakin ng Panginoon na inyong Diyos ang teritoryo ninyo ayon sa ipinangako niya sa inyong mga ninuno, at magiging inyo ang buong lupaing ipinangako niya sa kanila.

9Gagawin ito ng Panginoon na inyong Diyos kung susundin ninyong mabuti ang lahat ng utos na iniuutos ko sa inyo ngayon, na mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos at mamuhay kayong lagi ayon sa kanyang mga pamamaraan. Kapag lumawak na ang inyong lupain, magdagdag pa kayo ng tatlo pang bayan ng kanlungan.

10Gawin ninyo ito upang walang inosenteng tao na mamamatay sa lupain ninyo, na ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos bilang mana, at upang hindi kayo magkasala kung may inosenteng tao na mapatay.

11Ngunit kung ang isang tao ay napopoot sa kanyang kapwa at inabangan niya ito at pinatay, at pagkatapos ay tumakas siya papunta sa isa sa mga lungsod ng kanlungan,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.