Deuteronomio 19

Palalawakin ng Panginoon na inyong Diyos ang teritoryo ninyo ayon sa ipinangako niya sa inyong mga ninuno, at magiging inyo ang buong lupaing ipinangako niya sa kanila.

Deuteronomy 19:8 (UKJV) And if the LORD your God enlarge your coast, as he has sworn unto your fathers, and give you all the land which he promised to give unto your fathers;

6Kung ang lungsod na tanggulan ay malayo sa taong nakapatay, baka habulin siya ng tao na gustong gumanti sa kanya, at mapatay siya. Ngunit hindi siya dapat patayin dahil hindi sinasadya ang pagkakapatay niya at wala naman siyang galit sa napatay.

7Ito ang dahilan kung bakit ko kayo inuutusang pumili ng tatlong lungsod ng kanlungan.

8Palalawakin ng Panginoon na inyong Diyos ang teritoryo ninyo ayon sa ipinangako niya sa inyong mga ninuno, at magiging inyo ang buong lupaing ipinangako niya sa kanila.

9Gagawin ito ng Panginoon na inyong Diyos kung susundin ninyong mabuti ang lahat ng utos na iniuutos ko sa inyo ngayon, na mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos at mamuhay kayong lagi ayon sa kanyang mga pamamaraan. Kapag lumawak na ang inyong lupain, magdagdag pa kayo ng tatlo pang bayan ng kanlungan.

10Gawin ninyo ito upang walang inosenteng tao na mamamatay sa lupain ninyo, na ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos bilang mana, at upang hindi kayo magkasala kung may inosenteng tao na mapatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.