Deuteronomio 2

Itoʼy pagkalipas ng tatlumpuʼt walong taon mula noong umalis tayo sa Kades-barnea at makatawid sa Lambak ng Zered. Nang mga panahong iyon, namatay na ang mga sundalong Israelita sa henerasyong iyon, ayon sa isinumpa ng Panginoon sa kanila.

Deuteronomy 2:14 (UKJV) And the space in which we came from Kadeshbarnea, until we were come over the brook Zered, was thirty and eight years; until all the generation of the men of war were wasted out from among the host, as the LORD swore unto them.

12Sa Seir dati nakatira ang mga Horeo, ngunit pinalayas sila ng mga lahi ni Esau, at sila na ang nanirahan doon, katulad ng ginawa ng mga Israelita sa mga Cananeo sa lupaing ibinigay ng Panginoon bilang ari-arian nila.)

13Pagkatapos, iniutos ng Panginoon, “Humayo kayo at tumawid sa lambak ng Zered.” Kaya tinawid natin ang Lambak ng Zered.

14Itoʼy pagkalipas ng tatlumpuʼt walong taon mula noong umalis tayo sa Kades-barnea at makatawid sa Lambak ng Zered. Nang mga panahong iyon, namatay na ang mga sundalong Israelita sa henerasyong iyon, ayon sa isinumpa ng Panginoon sa kanila.

15Pinarusahan sila ng Panginoon sa loob ng kampo hanggang sa tuluyang malipol silang lahat.

16Nang pumanaw na ang lahat ng sundalo,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.