21Napakarami nila at napakalalakas, at matatangkad katulad ng mga lahi ni Anak. Subalit pinuksa sila ng Panginoon at silaʼy itinaboy ng mga Amonita at sinakop ang kanilang lupain.
22Ito rin ang ginawa ng Panginoon sa mga lahi ni Esau na nakatira sa Seir; pinagpapatay niya ang mga Horeo at itinaboy para makapanirahan ang mga lahi ni Esau sa kanilang lupain. Hanggang ngayon, naninirahan pa rin sila sa lupaing iyon.
23Ito rin ang nangyari nang sinalakay ng taga-Caftor ang mga taga-Avim na naninirahan sa mga baryo ng Gaza. Nilipol nila ang mga taga-Aveo at tinirhan ang lupain ng mga ito.)
24“Ngayon, tumawid na kayo sa Lambak ng Arnon. Ibinibigay ko sa inyo ang Amoreong si Haring Sihon ng Hesbon, at ang kanyang lupain. Salakayin ninyo siya at angkinin ang kanyang lupain.
25Mula ngayon, loloobin kong matakot sa inyo ang lahat ng bansa sa buong mundo. Manginginig sa takot ang makakarinig ng tungkol sa inyo.”