Deuteronomio 2

Ito rin ang ginawa ng Panginoon sa mga lahi ni Esau na nakatira sa Seir; pinagpapatay niya ang mga Horeo at itinaboy para makapanirahan ang mga lahi ni Esau sa kanilang lupain. Hanggang ngayon, naninirahan pa rin sila sa lupaing iyon.

Deuteronomy 2:22 (UKJV) As he did to the children of Esau, which dwelt in Seir, when he destroyed the Horims from before them; and they succeeded them, and dwelt in their position even unto this day:

20(Ang lupaing iyon ay kilala rin noong una bilang lupain ng mga Refaim, ngunit tinawag silang Zamzumeo ng mga Amonita.

21Napakarami nila at napakalalakas, at matatangkad katulad ng mga lahi ni Anak. Subalit pinuksa sila ng Panginoon at silaʼy itinaboy ng mga Amonita at sinakop ang kanilang lupain.

22Ito rin ang ginawa ng Panginoon sa mga lahi ni Esau na nakatira sa Seir; pinagpapatay niya ang mga Horeo at itinaboy para makapanirahan ang mga lahi ni Esau sa kanilang lupain. Hanggang ngayon, naninirahan pa rin sila sa lupaing iyon.

23Ito rin ang nangyari nang sinalakay ng taga-Caftor ang mga taga-Avim na naninirahan sa mga baryo ng Gaza. Nilipol nila ang mga taga-Aveo at tinirhan ang lupain ng mga ito.)

24“Ngayon, tumawid na kayo sa Lambak ng Arnon. Ibinibigay ko sa inyo ang Amoreong si Haring Sihon ng Hesbon, at ang kanyang lupain. Salakayin ninyo siya at angkinin ang kanyang lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.