Deuteronomio 2

“Ngayon, tumawid na kayo sa Lambak ng Arnon. Ibinibigay ko sa inyo ang Amoreong si Haring Sihon ng Hesbon, at ang kanyang lupain. Salakayin ninyo siya at angkinin ang kanyang lupain.

Deuteronomy 2:24 (UKJV) Rise all of you up, take your journey, and pass over the river Arnon: behold, I have given into yours hand Sihon the Amorite, king of Heshbon, and his land: begin to possess it, and contend with him in battle.

22Ito rin ang ginawa ng Panginoon sa mga lahi ni Esau na nakatira sa Seir; pinagpapatay niya ang mga Horeo at itinaboy para makapanirahan ang mga lahi ni Esau sa kanilang lupain. Hanggang ngayon, naninirahan pa rin sila sa lupaing iyon.

23Ito rin ang nangyari nang sinalakay ng taga-Caftor ang mga taga-Avim na naninirahan sa mga baryo ng Gaza. Nilipol nila ang mga taga-Aveo at tinirhan ang lupain ng mga ito.)

24“Ngayon, tumawid na kayo sa Lambak ng Arnon. Ibinibigay ko sa inyo ang Amoreong si Haring Sihon ng Hesbon, at ang kanyang lupain. Salakayin ninyo siya at angkinin ang kanyang lupain.

25Mula ngayon, loloobin kong matakot sa inyo ang lahat ng bansa sa buong mundo. Manginginig sa takot ang makakarinig ng tungkol sa inyo.”

26Kaya noong naroon tayo sa ilang ng Kedemot, nagsugo ako ng mga mensahero kay Haring Sihon ng Hesbon upang sabihin sa kanya ang mensaheng para sa kapayapaan. Sabi ko,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.