Deuteronomio 2

Kaya noong naroon tayo sa ilang ng Kedemot, nagsugo ako ng mga mensahero kay Haring Sihon ng Hesbon upang sabihin sa kanya ang mensaheng para sa kapayapaan. Sabi ko,

Deuteronomy 2:26 (UKJV) And I sent messengers out of the wilderness of Kedemoth unto Sihon king of Heshbon with words of peace, saying,

24“Ngayon, tumawid na kayo sa Lambak ng Arnon. Ibinibigay ko sa inyo ang Amoreong si Haring Sihon ng Hesbon, at ang kanyang lupain. Salakayin ninyo siya at angkinin ang kanyang lupain.

25Mula ngayon, loloobin kong matakot sa inyo ang lahat ng bansa sa buong mundo. Manginginig sa takot ang makakarinig ng tungkol sa inyo.”

26Kaya noong naroon tayo sa ilang ng Kedemot, nagsugo ako ng mga mensahero kay Haring Sihon ng Hesbon upang sabihin sa kanya ang mensaheng para sa kapayapaan. Sabi ko,

27“Kung maaari, payagan nʼyo kaming dumaan sa inyong lupain. Sa pangunahing daan lamang kami dadaan, hindi kami lilihis ng daan.

28Babayaran namin ng pilak ang aming makakain at maiinom. Ang pakiusap lang namin sa inyo, payagan nʼyo kaming dumaan sa inyong lupain

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.