Deuteronomio 2

Nang panahong iyon, sinakop natin ang lahat ng kanyang bayan at nilipol sila nang lubusan – mga lalaki, babae at mga bata. Wala tayong itinirang buhay.

Deuteronomy 2:34 (UKJV) And we took all his cities at that time, and utterly destroyed the men, and the women, and the little ones, of every city, we left none to remain:

32Nang nakikipaglaban si Sihon at ang kanyang mga sundalo sa atin doon sa Jahaz,

33ibinigay siya ng Panginoon na ating Diyos sa atin at pinatay natin siya, pati ang mga anak niya at ang lahat ng sundalo niya.

34Nang panahong iyon, sinakop natin ang lahat ng kanyang bayan at nilipol sila nang lubusan – mga lalaki, babae at mga bata. Wala tayong itinirang buhay.

35Dinala natin ang kanilang mga hayop at mga ari-ariang nasamsam natin mula sa kanilang mga bayan.

36Tinulungan tayo ng Panginoon na ating Diyos sa pag-agaw sa Aroer, ang lugar sa tabi ng Lambak ng Arnon at ng mga bayan sa paligid ng lambak na ito, at ng mga lugar hanggang sa Gilead. Walang bayang may matibay na mga pader ang hindi natin kayang pasukin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.